Wednesday, July 23, 2008

new multiply theme;))


ayun. new theme ko sa multiply. made by yours truly. LOL. wla lng. 3p lng i-post;))

Tuesday, July 1, 2008

drama queen? Part1

JULY 1, 2oo8

unang araw ng buwan. unang araw ng pasok sa linggong ito.
nakaka-tuwa. umagang umaga, may nangyaring unforgettable talaga.

GEOM ang first subject. nag-quiz kami. walang bell. nakapag-OT kami ng hindi sinasadya.
2nd subject.. COMPUTER. sir Albina ang teacher. nagalit siya sa amin. 9:05 na daw. pero ang totoo, wala pa ngang 9 nun. iniwan nya kami. hindi ko alam ang gagawin ko kaya nagpa-sama ako sa

secretary ng klase kay Ms.Gonzales. tinanong namin kung ano ang sasabihin namin. nagalit kasi si sir Albina, ni hindi manlang daw namin siya in-inform na male-late kami. so, sabi ni Ms.Gonzales, sabihin

daw namin na wala namang bell nung time na yun. at hindi rin kami maka-baba nun para i-inform siya dahil nga nag-qquiz kami nun. past 8:40 pa lang nung time na yun. bumaba kami. pupunta dapat kami

sa faculty. pero nakita namin siya na paakyat na ng smart room. hinabol namin siya. nung i-eexplain na namin ni Tintin yung reason namin sa pagiging late, bigla na lang niya sinabi, "DONT TALK TO ME!"

sabay alis.

pumasok siya sa SMART ROOM. ni-lock nya. tapos after 2mins. bigla siya lumabas. bakit daw ang ingay namin? yada yada yada..

pina-akyat niya kami sa room. tapos pina-balik. nagalit siya kasi kahit umaakyat at bumababa daw kami papunta at paalis sa smart room, ang ingay pa daw namin. then, bigla may tumawa sa girls. hindi

ko alam kung sino yung nagpatawa. napansin at narinig ni sir na may nagtatawanan.

tinry ko mag-explain kay sir kung bakit kami late. pero bigla na lang siya sumigaw "NO! DON'T TALK TO ME! YOU SHOULD'VE INFORMED ME FIRST THAT YOU ARE GOING TO BE LATE BEFORE MY PERIOD.

NOT AFTER! I DON'T NEED YOUR EXPLANATION!"

then, pagka-sabi nya nun, hindi ko alam kung bakit pero unti unti na akong napapa-iyak. nangingilid na luha ko nun. pinipigilan ko lang. at infairness, ANG HIRAP MAG-PIGIL NG LUHA. buti na lang

napigilan ko kahit paano.

pina-akyat nya ulit kami ng room. this time, maayos na ang pila at wala na maingay. kaso, may problema ako. pinipigilan ko parin ang luha ko nung mga oras na yun habang umaakyat kami. tapos, eto

ang nakaka-inis, tinanong ako bigla ni Jezmin kung ok lang ba ako. at BOOM! dun ko na hindi napigilan yung luha ko. nasa floor kami nun ng 4th year. isang floor pa, floor na namin.

nasa dulo ang room namin kaya nadaanan namin yung room kung saan nandoon si Ms.Gonzales. nasa St.Ezekiel Moreno siya, nasa pinto. tinawag niya ako para tanungin kung ano na ang nangyari.

lumapit ako. kinuwento ko. nung papasok na ako sa classroom, pagka-pasok na pagka-pasok ko, bigla nanaman sumigaw si sir.

"NO! YOU! GET OUT! MAG-SUMBONG KA ULI DYAN SA ADVISER NYO! GET OUT!" gah! lalo ako naiyak. amp. hindi ko naman kasalanan kung tinawag ako ng adviser ko. alangan naman hindi ako lumapit. so,

lumabas ako. nasa likod ako ng pinto.

"WALA KAYONG KARAPATAN NA MAG-SUMBONG SA ADVISER NYO SA TIME KO! TIME KO TO! YOU SHOULD'VE ASKED FOR MY PERMISSION FIRST! IF I AGREED, THEN GO! PERO KUNG HINDI, JUST TALK TO THEN

SOME OTHER TIME! HINDI YUNG MAGSUSUMBONG AGAD KAYO DIYAN SA ADVISER NYO!"

ayun! tinamaan ako. ang sakit! hindi ko naman talaga ginusto na pumunta kay Ms.Gonzales. TINAWAG AKO NI MS.GONZALES. HINDI AKO ANG UNANG PUMUNTA SA KANYA. pagkatapos nun, pinatayo niya

ang mga officers. pinapasok na ako. dahil kailangan niya ako kausapin. dahil ako nga ang president.

"PAG BA MAY MGA GANITO, MAGSUSUMBONG KA AGAD SA NANAY MO!?" bungad na bungad. yan ang bigla niya sinigaw pagka-pasok ko. hindi ko talaga mapigilan ang luha ko. nakaka-inis. tapos bigla niya

sinabi na wag ko daw siya dadaanin sa iyak. mas lalo lang daw siya naiinis pag ganun. pero kahit anong gawin ko, hindi ko talaga mapigilan ang luha ko.

sermon, sermon, sermon...[napigilan ko na ang luha ko. hindi na ako umiiyak nitong oras na 'to]

"OK. YOU CAN TAKE YOUR RECESS NOW." recess na. whew! tapos na ang computer! naka-hinga na ako. pero hindi ko na talaga napigilan yung luha ko nito. tutal, wala naman na si sir, safe na ako

umiyak. yun ang ginawa ko. kailangan ko iiyak yung sama ng loob ko. basta alam ko lang na kailangan. so, umiyak ako.