Sunday, June 29, 2008

DOPPSA Mass of the Holy Spirit

June 30,2oo8

WALANG PASOK ANG LAHAT NG SCHOOL NA KASALI SA DOPPSA...pero kami meron. kaming mga President at Vice-President ng bawat klase sa 3rd at 4th year. kasama kami ng mga teachers sa mass sa St. Andrew's School.

7:00am DAW kami aalis sa school. so, before 7 dapat nasa school na kami. gumising ako ng 5:00am. iniisip ko kasi, baka ma-traffic. mahuli pa ako. 6:30am ako umalis ng bahay. naka-rating ako sa school ng 6:40am. marami pang kulang. nag-chikahan muna kami nila lovely. 7:00am na. wala pang nangyayare. walang nadadagdag. nagdadatingan ang Admin. pero walang ibang ka-batch na officers. sabi ni Mr. SC Vice-President Michael Borja, 10 pa daw ang mass. past 7 na. walang nangyayari. nagsalita si Borj. 10 pa daw kami aalis. *WTF! ANO!?* nung malapit na mag-8, umalis na kami. isang oras at kalahati kami nag-intay sa school. pag-dating namin sa SAS, binilad kami saglit sa araw. napaka-saya:) tapos pumasok na rin kami sa simbahan.

habang naglalakad sa gitna papuntang upuan namin, nadaanan namin yung mga estudyante ng SAS. naka-upo na sila. habang dumadaan kami, bigla may bumati sa'kin, "good morning po!:D" pero hindi ko na siya nilingon. busy ako sa pakikipag-chikahan kay Lovely eh. sorry naman:P

umupo na kami.. nung naka-upo na kami, bigla na lang namin napag-tanto na hindi pala kami ang dapat na naka-upo dun. reserved yung space na yun sa Our Lady of the Abandoned Catholic School o OLACS. masaya ka;)

pagkatapos ng misa, pinapunta na kami sa canteen ng SAS. may libreng snack daw. isang sandwich at isang juice ang snack namin. ganda:) 5 oras na kaming hindi kumakain tapos yun lang ang ipapakain sa amin. masay talaga:)

*pwede mag-dala ng cellphone at digi cam. nag-dala ako ng cellphone. pero digi cam, hindi. nakakapanghinayang. wala tuloy remembrance*

No comments: